Monday, December 26, 2011

Bi-El-Ti-Wan




Makawiwindang ang atungal ni Marian...
San siya insaniban...
Nata pagparapansinon pa man...
Kun bistado nang maray??..

Ano daw ine si Ranie?..
Ta nagsosolo na permi?..
Dae nga pigpapansin an kairiba...
Wara labot, nandededma.

Mayad ngani yada si Earl John...
Iyo lang midbid ko sa kadaghanan...
Di ko man bistado si Ramil nan si Lhan...
Maski Gubatnon na naturingan.

Hingan pa sini na mga katropa ko...
An tuga, maintra kuno...
Pero yaa ako, solo-solo...
Sa mga kaintra, wara bistado.

Pero maski nano pa man an mangyari...
Tatapuson ko ineng Bi-El-Ti...
Kamang, lukso didto, lukso dini...
Maging sayo lang na sertipayd WayZi.


kuripsaw
12262011

Sunday, December 25, 2011

ANG AKING UNANG PAGHAHANDOG




Noong ako’y nag-uumpisa pa lang sa WayZi and even during those 3-days Basic Leadership Training (BLT) na kailangang malagpasan ng isang aspiring member ng organisasyon, I was enthralled by my fellow YCSCians stories of how good is it to serve the community—the joy in giving, the bonding moments that lasts from every activity up to the next one, the sacrifices, at marami pang pinaghalong kadramahan, kakornihan, at kanilang mga mala-Indiana Jones na adventures sa mga malalayo at kung minsan pa’y nasa kinasuluk-sulukang bahagi ng probinsiya ng Sorsogon. Mga lugar na noon ko lamang nalamang nag-eexist pala.

Ang mga kuwentong iyon ang nakahikayat sa akin na sumama sa 2006 Gift-Giving ng YCSC-SPC. Ako pa! Eh, basta lakwatsa ang pinag-uusapan at trip ko’ng gumala always on the go ako. Kaya naman ang siste, talagang gumawa ako ng paraan na makasama—I’ve even made some arrangement with my co-workers sa Jollibee para ma-grant lang ng aming masungit na manager ang aking day-off ng araw na iyon. Bitbit ang ilang supot ng kendi at mga binalot na Krayola, lapis, at notebooks, napadpad ako kasama ng ilan pang miyembro ng WayZi (nang mga panahong iyon ay hindi ko pa mga kilalang gaano) sa San Ramon, Bacon District, Sorsogon City. Ang nasabing lugar na iyon daw ang venue ng kanilang Summer Practicum ng taong iyon kaya dun din nag-gift giving.

It was just the same with the previous gift-giving activities I had been a part of. Yun nga lang, this time, talagang hindi ko mga kilala ang binibigyan—as in zero knowledge ako kung sino mga yun. Gayunpaman, I had fun at maging ang mga batang talagang kababanaagan mo ng saya sa mga mata’t mukha. Nag-enjoy sila sa mga games at premyo’ng inihanda namin.

That was my first gift-giving experience... but was not my last.

PAGKAMULAT




I can still remember that very first moment na nagkakilala tayo aking mahal na Wayzi. Hindi ko noon maipaliwanag ang aking nararamdaman. Marahil pinaghalong kaba, pananabik at pagka-blanko ang sa aki’y nananahan. Kaba, sapagkat matagal na ring ako’y hindi nagkamayroon ng ganitong karanasan. Mula sa ilang buwan o taon na yatang maituturing na ako’y naging isang hindi maituturing na normal na estudyanteng nakikipagsabayan sa mabilis na agos ng pakikipagsapalaran—pinagsasabay ang pagtuklas sa bawat sulok ng kaalaman at ang pagkita ng salaping pambuno sa pang-araw-araw kong pakikipagsapalaran sa apat na sulok ng institusyong aking kinabibilangan.

Gayunpaman, marahil tayo’y sadyang pinagtakda ng pagkakataon. Marahil naguhit na sa aking palad na ika’y maging bahagi ng aking abang buhay. Sino ba naman ang mag-aakalang mula sa mabilis na pahinang aking tinatakbuhan ay iyo akong imumulat sa isang buhay na kailanma’y hindi pumasok sa aking diwa—ni hindi ko pinangarap. Kaya nga kahit ako’y balot ng kaba at pagkayamot sa aking mga kaibigang nangakong sabay ka naming tutuklasin—kagaya nga ng pagtuklas namin isang linggo pa lang ang nakakaraan sa mundo ng tinatawag na mga Peer Counselors—buong tatag akong nanindigan na tatapusin ang tatlong araw nating ganap na pagkilala sa isa’t isa.

Pananabik, sapagkat ito’y bagong karanasan. Isang pagbabago sa hindi ko man amini’y nakakabagot na ritmo ng aking pang-araw-araw na buhay. At pagka-blanko pagka’t literal na wala akong baon ni katiting na kaalaman sa kung anong karanasan itong aking tatahakin.

Kaya nga sa loob ng tatlong araw na iyon, kasabay ng pagkakilala ko sa aking sarili at kasabay din ng pagmarka sa aking buhay ng mga pangalang Mommy Venus, Earl, Jinggay, Ranie, Lorlyn, Albert, Lhan, Ramil, Louel, Erwin, at Redentor; kasabay ng mga munting galos na aking tinamo sa aming pagsasama at ng mga kaalamang ibinahagi nina Ginang Lasala, niyakap kitang pansamantala. Pansamantala lamang. Sapagkat sa aking pagbalik sa mabilis na daloy ng buhay na aking kinabibilangan, nalaman kong kailangan kong magparaya. Kailangan kong pumili sa pagitan ninyong dalawa.

Mabuti na lang at ikaw ang aking pinili...